2009 na... January 18.11:15pm.Anong ginagawa ko? Nag-iisip
ng gagawin... 5 oras nakong nagaaksaya ng oras sa mafia wars, mob wars at super
pokes.Akalain mo bang may silbi pala
ang facebook sa pangaraw araw na paghahanapbuhay ko dito sa abroad?
11:17pm.Di parin ako
nakahanap ng gagawin ko.Ang dami kong
mga plano para sa taong ito.At oo,
kasama ang tambay sa gameplan.At tinutupad
ko na ang pagtatambay sa gameplan.Very productive.
11:23pm.Kagagaling ko
lang sa sakit.Ang Pure Blonde.Kasalanan ng Pure Blonde.Magaling sa sales talk si mamang waiter sa
DXO (at ang napili pa niyang i-sales talk ay napaka-gullible pa sa mga
marketing strategies).Isa daw ang Pure
Blonde sa mga bago nilang produkto, low fat, low calories.Manamisnamis.Humiga ako nung isang umaga, 330am.Tumayo ako ng 4am, deretso sa banyo.Paulit-ulit itong nangyari, in intervals of 30min.Ang ending, dehydration.Pure Blonde and ulcer don’t mix.Pero any alcohol and ulcer don’t mix for that
matter.But still, this ain’t my fault
at all.
11:25pm.Kailangan ko
na talaga tigilan ang chocolate truffles.Lalo lang lalala ang sakit ko.Ipasok
ko kaya sa barbed wired na kahon ang truffles, i-padlock, i-flush ang susi ng
padlock sa toilet, lagyan ng force field.Hay... tatawag lang ako ng locksmith nun (kawawa lang si mr.locksmith,
makukuryente lang).Hopeless case na to.
11:29pm.Nagmistulang
fitting room ang kwarto namin ng roommate kong si dai.Kasalukuyang kinukulit ako kung mahaba ba ang
kanyang suot na yellow with flower prints-dress.Oo, mahaba.***iling***.At ayaw maniwala
sakin na mahaba talaga ang dress niyang winawalis ang lahat ng alikabok sa
sahig naming.
11:37pm.Walong minuto
na ang lumilipas at wala pa rin akong ginagawa.Pinagalitan ako ni dai.Halos naubos
ko ang truffles.Hindi ko kasalanan...
at babae na daw si Rustom Padilla.Ang
bagong pangalan daw niya ay Bebe Gandanghari.Itaguyod ko na kaya ang pagkalalaki ko?I shall be known as Brendo Markangsuabe.
11:41pm.Hindi pa rin
ako sinisipot ni Mr.Sandman.Late siya
ngayon.Grrr...
11:42pm.Tatae’t
maliligo daw ang roommate ko.Hindi niya
alam ang link ng blog na to.Pwede kong
i-reveal ang mga kababalaghang nangyayari sa munting palasyo namin.Wag sana magsumbong ang mga tagasubaybay ko.
11:46pm.Wala pa rin
ako maisip na gawin.Sana araw araw
ganito.