tbsice
Female
Philippines
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, January 18, 2009
Productivity

2009 na... January 18.  11:15pm.  Anong ginagawa ko? Nag-iisip ng gagawin... 5 oras nakong nagaaksaya ng oras sa mafia wars, mob wars at super pokes.  Akalain mo bang may silbi pala ang facebook sa pangaraw araw na paghahanapbuhay ko dito sa abroad?

11:17pm.  Di parin ako nakahanap ng gagawin ko.  Ang dami kong mga plano para sa taong ito.  At oo, kasama ang tambay sa gameplan.  At tinutupad ko na ang pagtatambay sa gameplan.  Very productive.

11:23pm.  Kagagaling ko lang sa sakit.  Ang Pure Blonde.  Kasalanan ng Pure Blonde.  Magaling sa sales talk si mamang waiter sa DXO (at ang napili pa niyang i-sales talk ay napaka-gullible pa sa mga marketing strategies).  Isa daw ang Pure Blonde sa mga bago nilang produkto, low fat, low calories.  Manamisnamis.  Humiga ako nung isang umaga, 330am.  Tumayo ako ng 4am, deretso sa banyo.  Paulit-ulit itong nangyari, in intervals of 30min.  Ang ending, dehydration.  Pure Blonde and ulcer don’t mix.  Pero any alcohol and ulcer don’t mix for that matter.  But still, this ain’t my fault at all.

11:25pm.  Kailangan ko na talaga tigilan ang chocolate truffles.  Lalo lang lalala ang sakit ko.  Ipasok ko kaya sa barbed wired na kahon ang truffles, i-padlock, i-flush ang susi ng padlock sa toilet, lagyan ng force field.  Hay... tatawag lang ako ng locksmith nun (kawawa lang si mr.locksmith, makukuryente lang).  Hopeless case na to.

11:29pm.  Nagmistulang fitting room ang kwarto namin ng roommate kong si dai.  Kasalukuyang kinukulit ako kung mahaba ba ang kanyang suot na yellow with flower prints-dress.  Oo, mahaba.  ***iling***.  At ayaw maniwala sakin na mahaba talaga ang dress niyang winawalis ang lahat ng alikabok sa sahig naming.

11:37pm.  Walong minuto na ang lumilipas at wala pa rin akong ginagawa.  Pinagalitan ako ni dai.  Halos naubos ko ang truffles.  Hindi ko kasalanan... at babae na daw si Rustom Padilla.  Ang bagong pangalan daw niya ay Bebe Gandanghari.  Itaguyod ko na kaya ang pagkalalaki ko?  I shall be known as Brendo Markangsuabe.

11:41pm.  Hindi pa rin ako sinisipot ni Mr.Sandman.  Late siya ngayon.  Grrr...

11:42pm.  Tatae’t maliligo daw ang roommate ko.  Hindi niya alam ang link ng blog na to.  Pwede kong i-reveal ang mga kababalaghang nangyayari sa munting palasyo namin.  Wag sana magsumbong ang mga tagasubaybay ko.

11:46pm.  Wala pa rin ako maisip na gawin.  Sana araw araw ganito.


Posted at 10:48 pm by tbsice
Make a comment  

Wednesday, November 19, 2008
Storm

One drop of rain for every drop of pain

It would be unfair to let myself dance in the rain with you

Someone is longing under a different sky of a different blue

But i refuse to let the sun shine and i whine as its peaking rays hurt my eyes blind

For the best, from the blissful rain i should rest

But the storm won’t stop.

 

One pinch of salt, one driblet of lime for every shot of tequila

It would be cruel to let myself to take a swig from her bottle

She is wistful for a taste, her thirst she enduringly nestles

But i mournfully yearn as it is a sin i would loath to earn

For the worst, from this addiction, it seems impossible for redemption

And the storm didn’t stop.

 

One puff of your sweet spice for every breath of my bitter cries

It would be vile to let myself beguile you with my hostile smile

Someone is pining under an empty ceiling

But i am defeated by default, assaulted with insults

For the best, under the blissful rain i rest

And the storm still won’t stop.


Posted at 10:57 pm by tbsice
Make a comment  

Monday, September 29, 2008
Grade 6

Gagraduate na kami ng Grade 6 sa Abril. Nagyaya magbakasyon ang mga kaklase ko sa Baguio.  Libre daw lahat.  May resthouse sila dun at may van.  Tanging dadalhin ay sarili at extrang saplot.  Dala ang travel bag at nangingitim na eye bags, maaga naming binagtas ang pasikot sikot na daan tungo sa malamig na siyudad ng strawberries, kulangot, walis, igorot at ukay ukay.  Hindi ko nalang ikukwento ang iba pa naming aktibidades kundi isa lamang sa mga unforgettable experiences.  Sa ikalawang araw ng aming pagbabakasyon, nagpunta kami sa isang templo na kulay pula ang bubong at maraming hagdan, walang elevator.  Sabi nila, magpapahula daw kami.  At kahit ayokong sabihan ako ng manghuhula na lampa akong ipinanganak at lampa parin akong lalaki at madadapa ako 80% ng buhay ko, pero dahil Grade 6 lang ako, pumayag ako.  Peer pressure.  At libre.  Nauna ang limang kasama ko.  Isa isa silang hinulaan, isa isa ding nagkunot ng noo, nangamot ng ulo at umiling.  Hindi ata magandang sinasabihan ang isang Grade 6 na tatanda siyang con man, hitman o superman.  Ako na susunod at huli.  Tinaasan ako ng kilay nung paring nakapulang gown at may mga tuldok sa noong kapos at makinis.  May hawak siyang 2 piraso ng maliliit na kahoy hugis rectangular prism (oo, rectangular prism).  Akala ko maglalaro kami ng syato pero ginawa niyang dice ang 2 piraso ng kahoy, hinagis sa mesa, tatlong beses.  Binaba ang kilay, ngumiti.  Tumungo siya sa isang hilera ng animo'y card catalogue.  Binuksan ang isa sa mga maliliit na drawer, kumuha ng kapiraso ng papel at inabot sakin.  Sabi sa papel, isa daw akong maswerteng bata kung susumahin ang buhay ko.  3 highlights:  yayaman ka, magkakaanak ka sa murang edad, hindi ka magaasawa.  Maswerte nga.  Paki-define uli ang swerte?  Gusto ko sanang hanapin ang taong sumulat ng mga bagay bagay na yun.  Magwala't itanong ang logic ng kanyang mga pinagsasabi.  I-question ang kanyang kakayahan at karapatan magbigay ng ganung klaseng premonition sa isang Grade 6.  Gusto ko sanang makita ang mga diploma niya't kung galing ba siya sa isang reputable university ng panghuhula.  Pero Grade 6 lang ako.  Matapos ang lahat, isa isa kaming binigyan ng insenso upang manalangin.  Ginawa namin to kahit na Grade 6 lang kami.

Labing apat na taon na nang gumraduate ako ng Grade 6.  Nagkaanak ako.  Hindi ako nagasawa.  Hinihintay ko nalang biglang magmitosis ang pera ko sa bangko.  Kapag nangyari yun, babalikan ko ang pari sa Baguio.  Hindi ko siya tataasan ng kilay.  Hindi rin ako magpupulang gown.  Pero sana hindi pako kalbo sa mga panahong yun.  Kakamayan ko lang siya.  Gagawa ako ng testimonial: Ayus!  Ang galing!  Astig!  Hindi nako Grade 6.  Pero gusto kong bumalik ng Grade 6, magpahula uli.


Posted at 09:49 pm by tbsice
Make a comment  

Next Page